Isa rin akong OFW but I don’t blog about it.Wala kasi akong maisip na topic probably dahil di ko naman naging problema mga kamag anak ko sa Pilipinas, kumbaga,walang mga pasaway at nakatanghod buwan buwan sa sweldo ko, swerte di ba?
Kung gaano kadami ang OFW ay ganun din kadami ang mga nagrereklamo base sa personal na kwento, mga blog, articles at kung anu ano pang pwedeng pagkwentuhan. Kesyo mga kamag anak sa Pilipinas, wala ng ginawa kundi mag abang ng padala, pati yata si kumpare nakikinabang na rin . Kapapadala pa lang, humihingi na ulit, kasi si pamangkin nakabuntis at kailangan ng pera pampakasal, berdey ni kuya, kakahiya namang di magpainom sa tropa,si pinsan nangungutang ng pambayad sa upa sa bahay kasi limang buwan ng di nakakabayad at kung anu ano pa.
Ikaw naman sige lang, okay lang, padala halos buong sweldo. Katwiran mo,“pamilya ko naman, kaya nga ako nagtatrabaho para sa kanila.” Feeling tuloy nila pinupulot lang natin ang pera dito. Kaya 'wag ng magtaka kung bakit di ka makaipon dahil sa dami ng pinapadalhan mo. Dagdag padala, dagdag obligasyon, pero sabi mo nga happy ka naman, pero happy ka nga ba?
Ilang taon ka na ba sa abroad, mahigit 10 taon? before you know it, panot ka na pala at biglang natanggal sa trabaho, me naipon ka na ba? may bahay ka na bang mauuwian sa Pinas? Oo, ngayon masaya kayo, pero hanggang kailan? for sure babalik at babalik ka rin sa Pinas pagdating ng araw. Sana may mauuwian kang sariling bahay o sapat na ipon. Dahil panigurado ako pag naubos ang ipon, wala kang maasahan sa mga kamag-anak mo.
Marami sa abroad, mahigit 20 taon na pero puro yabang lang ang ipon, inuuna kasi pagrerelax dahil mahirap daw magtrabaho sa mainit na disyerto. Tama nga naman, magrelax tuwing bakasyon, walang masama lalo na at di mo inuutang at ikaw ang gumagastos, may katwiran. Pero taun taon mo ng ginagawa yan ,di ka na ba nagsasawa .Kung ang Facebook nga nagsasawa na yata sa pagmumukha mo. Taun taon mo na yatang ginagawa yang create album, post photo, pambihira teh! di ka ba nauumay sa pagmumukha mo. Bawa’t galaw at subo, nakaabang ang kamera. Kailangan syempre may background na dagat or resort sa likod mo. Syempre naman kailangang ipakita sa mga ka FB para sikat.
Pansinin lang natin, wala yatang picture picture sa sariling bahay. Inuuna pamamasyal at kinalimutan ng magpundar. Sabi nga naman ni nanay, di bale na ubos ang pera, enjoy naman mga bata. Huh! bata nga ba nag eenjoy o ang matatanda? Si nanay talaga kunsintidor imbes na turuang mag-ipon ang OFW na anak ay nakikiayon pa.
Di man lang isiping habang nag eenjoy ay isabay na ring maghulog buwan buwan ng bahay at lupa or anumang property, kahit maliit basta buwan buwan ay may napupuntahan ang pinaghirapan. Puro ka na lang “saka na muna ipon, next year na lang.” Ilang taon mo na bang dialog yan? Ibahin mo naman kaya ang motto mo, gawin nating “saan kaya pwedeng mag invest ng mga naipon ko.” T'yak balang araw, hindi pa huli ang lahat at makakapagrelax ka rin sa bunga ng mga pinaghirapan mo.
Hindi mayaman ang OFW- marami lang talagang nagmamayaman lang at inuuna ang yabang. Pero malay naman natin dahil hindi naman natin kilala ang isa't isa, baka naman nag iipon pero secret nga lang. Uy, sana nga, sige isekreto mo na muna.
I like it.samen naman baliktad, pinipilit namin si kuya magpundar ng sarili niya..halos itabi ni mama ang allotment na binibigay niya para kay mama para lang may savings xa. xa naman itong ngpapauto sa mga babae..
ReplyDeletesana lahat ng mother kagaya ng mama mo.thanks for reading and for the comment.
ReplyDeleteo yan may visitor k na from UK hehe d ko alam na meron k na palang blog tatess hehe...nice one! ganda ng topic mong ito...
ReplyDeleteuy ,nep akala ko kung sinong PSE. Thank you.ganda ng Blog mo .andun pala si I'm in Love ,hehe!isa sa inaabangan ko yang travel ,love and woek mo .keep us updated always sa FB at sa Blog mo.
ReplyDeletetama ka dian.. mei punto ang iyong sinabi tungkol sa OFW... naniniwala ako sa quotes na "HINDI LAHAT NG NAG-AABROAD AY MAYAMAN".. :D
ReplyDeletehi,tess,ang ganda ng topic mo,tama lahat ng ang mga sinabi mo,keep up the good work.
ReplyDeletethank you!
DeleteI think it all depends on the inherent values of the families involved. When a loved one leaves, the integrity of society's basic unit becomes compromised, and a lot of external forces acting against it usually makes it doubly hard. Times and priorities have changed, absence leads to overcompensation, which leads to underappreciation-- a saddenning vicious cycle for some families. Some do better, pero may mga mayabang lang talaga :-)
ReplyDeletetrue, likas na yata yang mga nagmamayabang na iba.
DeleteI agree, my husband is a seafarer but we always follow the principle of "Living below or within your means" and our financial formula of "INCOME - SAVINGS = EXPENSES". Ang OFW is not a secure job. Marami lang talaga di lang naman OFW ang "financially illiterate. Di kasi tinuturo sa school. So we have to educate ourselves. Buy and invest on Financial Books, authors like Colayco, Tabanag, Bo Sanchez etc...They can really help. :)
ReplyDeleteAccording to statistics. Almost 90% na mga OFW ay watak watak ang pamilya. of course ialis natin kung kasama pamilya mo sa ibang bansa ibang usapan yun. Pero yung mga mag aasawang magkakahiwalay...90% of that sabog sabog pamilya nila keso si lalaki nanabik kaya nambabae, si bababe naman nanabik din kay mister ayun naghanap nang ibang papatong sa kanya. Aminin man natin o hindi eto ang totoo.
ReplyDeletei love your post.. OFW should invest their hard earned money themselves. set aside a portion of their money on investment. dont let just give everything to you family back home.
ReplyDeleteI became an OFW at an early age of 21.I've realized that it is very important to educate ourselves on handling money. According to the book entitled The Richest Man in Babylon by George Clason, we need to learn to live on seventy percent of your net income(Net simply means after taxes). We can divide the rest of 30% in our spiritual growth(tithe),personal development, and investment(e.g. stocks and mutual funds). We must learn to save portion so that we can survive the bad season when storm comes.GOD BLESS! =)
ReplyDeleteI enjoyed reading the article.
ReplyDeleteOo nga. dami ngang mga ganyang OFWs. Di ko nga maintindihan kung bakit di sila naghahanda sa future. One never knows what will happen the following day. Kaya hanggang may maiipon, huwag nang ipagpa-next year.
have a nice day :)
awwtttsss!
ReplyDeletenice post!
I read the title on FB and was eager to read this. You have amazing points, and in addition to that your post is in Tagalog, po.. Something new and quite good for me kasi I'm slow in Tagalog so reading blogs in that language will really help me develop my understanding.
ReplyDeleteAs for the OFWs, I have a lot of relatives na having a lot of problems even after years of working here and there.. It's not assured that your life would be stable kahit OFW kaya dapat always keep your feet on the ground. :)
Nag-iiba talaga ang tingin ng tao pag OFW ka
ReplyDeleteTama k jan girl and beside hnd nman lhat ng ofw eh ganun... Ofw din aq .yap at monthly din aq mgpadala but I see to it n half of my salary I keep for my savings... Need dn nten I-assured lhat b4 anything else db??!! Anyway nice blog.. Keep it up...
DeleteMay mga kaibigan akong OFW na mas marami pang reklamo sa akin na dito sa Pinas nagtratrabaho kasi nga dahil kelangan daw magpadala palagi. Para nga pag mga tao naging OFW, tila dumadami mga kamaganak nila.
ReplyDeleteganda ng topic.. pede topic sa debate! lol!
ReplyDeletemadami stories ang OFW, personally since maganda paghandle ng mommy ko sa pera ni daddy na OFW, e naging maganda ang resulta ng mga sacrifices nila.. iba iba kwento.. pero may punto ka dito, bato bato sa langit ang tamaan .. matuto :)
May kilala akong OFW na walang ipon kasi pareho sila ng kanyang pamilya na inuna ang mga magagandang gamit at relaxation before saving. Kaya ayan, balik sa hirap. Tsk.
ReplyDeleteIsa sa mga negatibong asal ng isang Pinoy ang pagiging mukhang pera. Kahit sino sinasabi na kailangan talaga ang pera at hindi ako totol n'yan. Pero sana naman ay huwag abusuhin ang isang tao porket nagbibigay siya ng pera.
ReplyDeletehello Ms. Tess! Gusto ko man magcomment na naka-relate ako sa post niyo po pero wala akong maisip na kakilalang OFW na nagyabang, etc. May pamilya po ako sa America, pero I am proud dahil kahit subsob sila sa trabaho, nakikita kong nagpupundar sila para sa permanenteng mattirhan, while treating themselves to out-of-town trips every now and then. :)
ReplyDeleteindeed evrything ive read here is very true! ive been living in singapore for years now and i can see a lot of things like that.
ReplyDeleteTama naman! Nag-abroad din ang tatay ko para mabigyan kami ng magandang kinabukasan.
ReplyDeleteAng tatay ko at ilan sa mga kapatid ay dating mga OFW. kagaya mo, swerte din sila sa mga kamag-anak kaya medyo gumanda mga buhay nila. :) pero may mga kakilala ako at kaibigan na umuwi rin ng walang naipon. haaaay.
ReplyDeletegood points. i'm lucky wala akong ganyang kamag-anak. okay lang tumulong pero wag sana abuso ung tinutulungan.
ReplyDeletetama. OK lang ang tumulong pero dapat nasa tama lang. Dapat matuto silang tumayo sa sarili nilang mga paa. Me pamilya din tayo na dapat suportahan. ang trabaho sa abroad ay hindi panghabang buhay. Pag dumating ang araw na kailangan ng umuwi ng bansa dapat me mga nainvest tayo, mga naipon para mkapagsimula ng negosyo. Turuan ang mga anak sa pagpapahalaga sa hard earned money para lumaki silang marunong.
ReplyDeleteTsk.tsk.tsk!! Nice blog girl..nag drop by LNG aq dhil npka interesting ng topic mo, yap tama k dun n my ofw n kala mo hnd n uuwi ng pinas Kung mkpagpayabang,syempre alam nman nten nauubos dn ang PERA so sa mga kgaya ko na ofw din at single.i see to it n my savings aq Pra sa business n pnptayo ko and hnd nman aq nkkalimot mgpdla sa family ko every month.sbi nga hngga't single kpa I-return mo dn un tulong n bngay syo ng family mo,so hndi tyo pwede mging selfish..Give And Take lang dapat!! Thanks and Godbless :)
ReplyDeleteGive and take no need mging SELFISH....( yan ang true )
ReplyDeleteSo true.I have seen quite a few Pinays here (US) na walang pakundangan kung gumastos, in fact I know some who are spending money they haven't earned yet at parang wala ng bukas kung makagastos, and eto mga lubog sa utang :( ....
ReplyDeleteSix months pa lang ako dito sa America at kakastart ko pa lang sa trabaho nung nakatanggap ako ng email from a cousin na umuutang ng 20K, nung hindi ko napautang di na ako kinausap mayabang pa ako :( ....
Di masamang tumulong, at lalong masarap tumulong, kung ang tinutulungan mo ay nagsisikap ring tulungan ang sarili!!
ReplyDeleteOfw kami d2 sa Japan , dalawa kami ng asawa ko nagtatrabaho, iniisip tlaga nAMiN na mag-ipon para may maipundar kami sa pinas,, tsaka, Hindi kami ka2lad ng ibang mga pinoy dito, ginagawang pasyalan ang Japan, pasyal dito, pastal doon, kami, trabaho tlaga ang iniisip nAMiN, kasi nakakahiyang isipin, lalo na sa atin, na matagal ka ng nag-aabroad, pero wala ka paring naipagmamalaki o naipundar man lang,di na baleng tipid ng tipid kami dito sa Japan, basta pagdating sa pinas, doon nAMiN napapakinabangan ang aming pinaghihirapan,,,at saka, iniisip nAMiN, na habang kaya ng aming KaTaWaN, di nAMiN sasayangin ang MaGanDanG opurtunidad na IpinAgKaLOob ng Diyos sa amin, dahil kapag dumating na ang panahon, na Hindi na kayanin ng aming KaTaWaN ang magtrabaho, wala kaming pagsisihan,,,
ReplyDeleteYan ang tama..
Deleteofw kami d2 sa Japan, dalawa kami ng asawa ko, iniisip tlaga nAMiN na mg-ipon UpAnG may maipundar kami sa pinas,, sa awa ng Diyos, nakapagtapos ng kolehiyo ang dalawa kong kapatid,, mas importante tlaga, na habang nandito pa kami, di nAMiN sasayangin ang MaGanDanG opurtunidad na ibinigay ng Diyos sa amin,, kasi, nakakahiyang isipin, lalo na diyan sa atin, na matagal ka ng nag-aabroad, pero wala ka paring naipundar mula sa iyong pag-aabroad, at saka, Hindi kami k2lad ng ibang mga Pinoy dito, ginawang pasyalan ang Japan, pasyal dito, pasyal doon, utang ng utang pag dating sa sweldo, KuLanG pa pambayad,, kaya, habang kaya pa ng aming ktawan,di nAMiN sasayangin na nandito kami, kasi ang lahat ng aming pagsisikap, ay para lamang sa aming kinabukasan, at sa aming anak,,
ReplyDeleteMake sense. DAPAT din e control at e balance..hindi lahat ng panahon nasa abroad tayo.
ReplyDelete