Only in the Philippines
Mga karaniwang reklamo ng mga Pilipino ay corruption, sakit, kahirapan at insekto, Huwag na kayo magtaka kung maraming lamok, ipis, daga sa Pilipinas. Iyan ay dahil sa marumi at mabahong kapaligiran. Naglipana ang squatters area sa bawat sulok ng Metro Mnaila. Mga ilog at kanal barado, puro basura at pinamamahayan ng mga insekto, kaya konting ulan bumabaha. Mga basura kung saan saan hinahagis, tapun dito tapon doon.
Gobyerno ang may kasalanan? Oo naman, kasi binubulsa, ninanakaw nila ang pera na para sa proyekto na ikauunlad ng bansa. Walang maayos na drainage system, budget para sa pest control ay naibulsa na ng mga hinayupak na pulitiko. Pero hindi lang dapat sa kanila itapon ang sisi. Blame it sa mga taong patuloy na bumoboto sa kanila ng paulit ulit. Maraming taong walang disiplina sa lahat ng bagay, anak ng anak kahit walang trabaho, kaya okay lang na tumira sila kahalubilo ang mga ipis at dagang malalaki pa sa pusa. May basura, walang problema, ano ginagawa ng ilog at bakanteng lote. Isang hagis lang yan.
Ang tubig sa gripo hindi na naiinom kasi magkaka amoebiasis. Mahal na nga ang tubig dagdag pa sa budget ang mga binibiling drinking water. Ilan na ba ang namamatay dahil sa kagat ng lamok. Dengue fever na ba ang pambansang sakit sa Pilipinas?
Mga daga, malalaki pa sa pusa. Pakad lakad sa loob ng bahay kahit anong oras. Daga na nga ang pambansang hayop ng Pilipinas. Natalo na nya ang mga buwaya sa gobyerno na nagpapasasa sa mga ninakaw na pera na nakatira sa naglalakihang mnsion na kung saan ay hindi welcome ang mga daga, lamok at ipis.
At mukhag hahabol si pis bilang pambansang insekto. Sa India ang mga ipis daw ay swerte sa bahay, ganun din kaya sa Pilipias? Di ko sinasabing walang ipis sa ibang bansa at hindi ko rin inaalipusta ang bansa dahil ako ay isang Filipino. Mahal ko ang Pilipinas pero hindi ang mga naglipanang nakakadiring insekto na nagdadala ng sakit sa katawan.
.
Pero marami namang nagsusumikap, kaya lang ay nasasayang dahil sa walang humpay na brownout at super mahal pa rin ang electric bill, heavy traffic all over Metro Manila, very slow Internet connection, palakasan system, under the table transactions, lagayan sa government offices. at marami pa.
Tapos magagalit pa ang mga Filipino pag may pumuna sa kabahuan at karumihan ng bansa. Sensitive masyado kapag nasaling ang kabulukan ng sinilangang bansa. Kung may mga pinoy man na nasasaktan sa mga negative na balita sa pinakamamahal na bansa, normal lang yan, magalit kayo. Pero talagang kulang sa disiplina bakit ayaw aminin. Truth hurts ika nga.
photo source: google
Mga daga, malalaki pa sa pusa. Pakad lakad sa loob ng bahay kahit anong oras. Daga na nga ang pambansang hayop ng Pilipinas. Natalo na nya ang mga buwaya sa gobyerno na nagpapasasa sa mga ninakaw na pera na nakatira sa naglalakihang mnsion na kung saan ay hindi welcome ang mga daga, lamok at ipis.
Pero marami namang nagsusumikap, kaya lang ay nasasayang dahil sa walang humpay na brownout at super mahal pa rin ang electric bill, heavy traffic all over Metro Manila, very slow Internet connection, palakasan system, under the table transactions, lagayan sa government offices. at marami pa.
Tapos magagalit pa ang mga Filipino pag may pumuna sa kabahuan at karumihan ng bansa. Sensitive masyado kapag nasaling ang kabulukan ng sinilangang bansa. Kung may mga pinoy man na nasasaktan sa mga negative na balita sa pinakamamahal na bansa, normal lang yan, magalit kayo. Pero talagang kulang sa disiplina bakit ayaw aminin. Truth hurts ika nga.
photo source: google
0 comments:
Post a Comment
Your comments are highly appreciated. Thank you!