Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Thursday, June 5, 2014

Life of an OFW


Ano ba ang pananaw ko sa pagiging mayaman? Dapat ba ay marami kang properties, alahas, naka iphone, ipad at  blackberry or Samsung phone ka. May magara kang sasakyan, at higit sa lahat limpak limpak ang iyong salapi,  literally isa kang mayaman.

Taong 2008, ang una kung bakasyon sa Pilipinas bilang isang OFW sa Middle East, sabi ng aking pamangkin habang nakatingin sa aking mamahaling cellphone, "tito ang yaman mo, naka  N95 ka na Nokia." QR 2, 500 ang bili ko noon sa Nokia N95 na sa mata ng isang bata ay isa ng kayamanan. Pero may isang pangyayari na hindi pala kayamanan ang pagkakaroon ng mamahaling gadget. Nag-iingay ang mga pamangkin ko noon ng  nalalag ko ang N95 at nasira as in totally black out at naging dahilan para magblackout din ako, nasigawan ko lahat ng pamangkin pati ang nanay ko, "magsilayas kayong  lahat at dalhin nyo lahat ang apo nyo". Umalis ang nanay ko kasama lahat ng pamangkin ko at sabi niya, "halika na mga apo, huwag n'yong istorbohin ang tito nyo, pasensiya ka na anak, naistorbo ka namin." Iyak ng iyak ang nanay ko habang papalabas ng gate kasama ang mga apo nya. Animo’y  binagsakan ako ng langit at lupa nang nakita ko siyang umiiyak. Nawala lahat ng panghihinayang ko sa nasirang cellphone. Malungkot akong hinabol si nanay upang yakapin para humingi ng kapatawaran sa mali kong inasal.

Iyon pala ang tunay na kayaman ang mayakap ko siya ng mahigpit, at makita siyang ngumiti uli. Walang kapantay na kayaman na kailanman ay hindi matutumbasan ng anumang salapi. Mula noon, pinangako ko sa aking sarili  na hindi ko na bibigyan ng sama ng loob ang aking ina. Sa ngayon, isa pa nagpapayaman sa akin ay ang marinig ang boses niya, “maramimg salamat anak sa padala mo.” Ni minsan hindi ko hinindian ang magulang ko pag siya ay humingi, kahit ipangutang ko pa  at kahit alam ko na hindi para sa kanya ang hiningi niya. Wala akong pakialam, basta ang importante ay napapasaya ko si nanay. Minsan nasabi  nga ng  isa kong  kapatid, "dapat hindi mo siya bigyan kasi mamimihasa yung isang kapatid natin, tingnan mo hindi na nagtratrabaho yung bayaw mo!" Ang sabi ko sa kapatid ko, "wala akong magagawa kuya. si nanay na ang humingi, at hindi ko siya puwedeng tanggihan o tanungin kung saan niya gagamitin ang pera." Dagdag ko pa, "ang importante napasaya ko siya, at narinig ang salitang, salamat anak."

Nakakasawa na rin ang palaging pagtulong sa mga kamag anak, namimihasa at  nagiging tamad na kasi sila, pero mas mabuti  na rin yon kesa ikaw ang humingi ng tulong. Minsan nasabi ko sa isang kong friend na pastor na nagsasawa na ako sa pagtulong, palagi na lang ganun, ang sabi niya sa akin.”Huwag mo kasing isipin na ginagawa mo ito para sa kanila, isipin mo na lahat ng ito ay ginagawa mo para sa Diyos."

Ngayon po ang kaarawan ng aking mother, malakas pa siya at walang sakit sa edad ng 75. Happy birthday mother…you are my life... at maraming maraming salamat sa lahat ng blessings.

author: OFW (Qatar)

0 comments:

Post a Comment

Your comments are highly appreciated. Thank you!