My blog is all about family life, parenting, relationship and anything that I can think of.
Tuesday, November 4, 2014
Saturday, September 6, 2014
Outstanding Filipino Blogger for OFW
Paano na kaya ang ekonomiya ng Pilipinas kung wala ang mga OFW? Ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay itinuturing na "Bayani ng Bansa" dahil sa malaking remittances na ipinadadala natin sa ating pamilya. Mga remittances na siyang ginagamit na panggastos sa araw araw na pangangailangan like food, shelter, and education. Mga remittances na nag aangat ng ekomomiya ng bansa.
Friday, August 29, 2014
Mga Paalala sa mga Uuwi ng Pilipinas
This was originally posted on Facebook page, P U L O : Ang Tahanan Mo on July 9, 2013 with 43,168 shares. Ito ay isinulat bilang paalala sa mga OFW at pati na rin sa mga kamag anakan nila.
Budget. Oo nga naman. Plan it. Work within your limit. Yung iba kasi one day millionaire, 29 days broke. Hindi na uso ang pasikat. Sarili mo lang lolokohin mo. Mamigay ka ng pasalubong kung kaya mo, kung hindi, wag na. Wala ka naman responsibilidad sa mga kamag-anak at kaibigan mo. Wag tumunganga sa duty free at mamili ng mamili ng alak at tsokolate. Kung kaya mo mag-abroad, kaya din nila. Hindi ka naman nagwawalis ng dolyar di ba? Wag magdala ng madaming gadget just to show off. Yung madalas na party at painom, iwasan mo na. Isipin mo, hindi habang buhay ang abroad. Tatanda ka din at uuwi. Matutong mag-save for the future. Mag-negosyo habang me trabaho. Fallback ang tawag doon. Ang simpleng bahay ok na yun. Di na din uso ang bonggang bahay baka ibenta mo lang yan pagdating ng panahon. Mag pondar para me maipakitang nag-abroad ka. Para sa sariling satisfaction yan hindi sa kapitbahay mo. Kung me uutang sa yo pambili ng kotse o pang down ng bahay, aba, bakit? Hindi ka naman bumuo ng isa pang pamilya. Mahirap magpautang sa panahon ngayon. Ibigay ang kayang ipamigay pero isiping mabuti. Yung iba kasi namamantala lang. Mabuti nang isiping madamot ka kesa magkaroon ng kaaway dahil sa utang. Iwas sakit ulo din yan, tol.
Subscribe to:
Posts (Atom)

