Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Friday, August 29, 2014

Mga Paalala sa mga Uuwi ng Pilipinas

This  was originally posted on Facebook page, P U L O : Ang Tahanan Mo on  July 9, 2013 with 43,168 shares. Ito ay isinulat bilang paalala sa  mga OFW at pati na rin sa mga kamag anakan nila.

Budget. Oo nga naman. Plan it. Work within your limit. Yung iba kasi one day millionaire, 29 days broke. Hindi na uso ang pasikat. Sarili mo lang lolokohin mo. Mamigay ka ng pasalubong kung kaya mo, kung hindi, wag na. Wala ka naman responsibilidad sa mga kamag-anak at kaibigan mo. Wag tumunganga sa duty free at mamili ng mamili ng alak at tsokolate. Kung kaya mo mag-abroad, kaya din nila. Hindi ka naman nagwawalis ng dolyar di ba? Wag magdala ng madaming gadget just to show off. Yung madalas na party at painom, iwasan mo na. Isipin mo, hindi habang buhay ang abroad. Tatanda ka din at uuwi. Matutong mag-save for the future. Mag-negosyo habang me trabaho. Fallback ang tawag doon. Ang simpleng bahay ok na yun. Di na din uso ang bonggang bahay baka ibenta mo lang yan pagdating ng panahon. Mag pondar para me maipakitang nag-abroad ka. Para sa sariling satisfaction yan hindi sa kapitbahay mo. Kung me uutang sa yo pambili ng kotse o pang down ng bahay, aba, bakit? Hindi ka naman bumuo ng isa pang pamilya. Mahirap magpautang sa panahon ngayon. Ibigay ang kayang ipamigay pero isiping mabuti. Yung iba kasi namamantala lang. Mabuti nang isiping madamot ka kesa magkaroon ng kaaway dahil sa utang. Iwas sakit ulo din yan, tol.

Rest. Matulog at magpahinga kasi 12 hours ang duty mo araw-araw sa trabaho. Siguro madami kang kaibigan. Everyone wants to see you pero ilaan ang bakasyon sa pahinga at bonding sa pamilya. Mas importante yun. One year ka nawala, o yung iba, 2 years. Ang bonding sa pamilya, hindi sa barkada. Umuwi ka for them. Hintayin mong mapagod sila sa yo, then set to see your friends.

Pamper yourself. Visit the doctor for medical check-up, pati na dentist. Isipin mo katawan mo. Pag me mangyari sa yo, paano na pamilya mo? Wag mo isipin yung pambayad. Importante to. Kung me pambili ka ng ipad para lang me maipagyabang sa facebook, meron ka din dapat pampa-check up. Magpa-facial at massage din kung me extra. Yung kalyo mo, pa-foot spa mo na din. Pa foot spa ang kalyo? Kung kailangan mong magpa-rebond, just do it. Bangs? Uso pa ba yun? Go! You deserve it. $40 dollars din ang masahe sa Base. Ang gupit $6. E 500 pesos me masahe, facial at gupit ka na. Isang taon ka din nakikipag-patintero sa rocket attack, siguro naman hindi kalabisan ang i-pamper ang sarili.

Have fun. Sabi ng DOT, it’s more fun in the Philippines. Wala nang hihigit pang fun than to be with your family but have fun within your limit. Ikaw din naman ang kakayod kung maubos ang baon mong pera. Saktong tama lang sabi nga ng commercial sa tv para masaya. Kung me kulang pa ang mga paalalang to, dagdagan mo lang.


0 comments:

Post a Comment

Your comments are highly appreciated. Thank you!