Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Monday, October 22, 2012

Gaano Kadalas ang Minsan



Naimbitahan ako sa isang birthday ng kaibigan at ang kantang ito ay madalas kantahin ni Celso  at Jennifer, ilan sa mga invited guests. Hangang kagabi sa shore time ito pa rin ang kanta nila, nagtanong tuloy ako sa sarili ko gaano ba talaga kadalas ang minsan? kadalasan ang minsan nagiging habit, kadalasan ang minsan nagiging ugali, .kadalasan ang minsan nangyayari dahil kagustuhan natin, kadalasan ang minsan nagaganap na lang ng hindi nating namamalayan.

Sabi nga sa kanta ang minsan ay sindalas na rin ng dami ng bituin, paano magiging minsan ang madalas?, ang hirap ipaliwanag, ako rin naguguluhan. Sa bawat pag bigkas ni Celso at Jennifer, pinakikinggan ko, may mga pinagdaanan sila, sana lang nga pagdaanan na lang nila at hindi kasalukuyang nangyayari o siguro sadyang gusto lang nila ang kanta dahil sa magandang himig nito. Wala akong masabi dahil magaganda ang mga boses nila, sabi ko nga matatabulgan nila si KZ ng X factor Philippines dahil pang X factor Universe ang talento nila. 

Ang kanta ay tungkol sa pag ibig, puro na lang pag ibig, kung puwede lang nga hindi na umibig ginawa ko na,  siguro mas tahimik at hindi komplikado ang buhay. "Gaano kadalas ang minsan kang hagkan, gaano kadalas ang makapiling kang minsan, gaano kadalas ang minsan mo akong saktan”.  Ang minsan na yan ang nagiging madalas kahit alam na nating mali, kahit malinaw pa sa sinag ng araw na hindi ang katulad niya ang gusto natin, masakit pero doon tayo masaya, subali't.... hanggang kailan? 

Napagtanto ko sa huling mensahe ng kanta na kahit gaano kadalas ang minsan kung ang pag ibig ay hindi  rin lang  wagas,  mabuti pa na hanggang maaga ay magwakas. Mahirap gawin pero kailangang magdesisyon, kung sa palagay mo na ginagamit ka lang para sa sariling kapakanan ng mahal mo, kalimutan mo na siya, gaya ng sinabi ko mas mabuti pa yung isang sakit na masakit na masakit, tapos nun wala na...hindi habang pinagpapatuloy mo lalo kang masasaktan dahil palalim ng palalim ang sugat na pilit mong pinagagaling.


Gaano Kadalas ang Minsan?

Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan? 
'sin dalas na rin ng dami ng bituin, waring walang hangan. 
Dahil sa labi ko'y lagi mararamdaman. 
Kahit sandali halik mo'y dumampi, minsan. 

Gaano kadalas ang makapiling kang minsan? 
Sa 'kin 'sin dalas ng walang wakas, saglit man magpisan. 
Dahil sa ganoon paraan lang mag-iisa. 
Kung magsasanib ang dalawang dibdib, 'di ba? 

Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas, 
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas. 
Pagkukunwari itago man ay lalabas, 
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasin dalas. 

Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan? 
Kahit minsan lang sa 'kin para bang walang katapusan 
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay? 
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan? 

Dahil ang pag-ibig kung hindi rin lang wagas, 
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas. 
Pagkukunwari itago man ay lalabas, 
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasin dalas. 

Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan? 
Kahit minsan lang sa 'kin para bang walang katapusan 
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay? 
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan? 

Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan? 


Guest Post by Kaycee

11 comments:

  1. Ganun talaga ang pag-ibig. Iba ang sinusunod na tama at mali pero tama ngang masaktan na lang kesa umasa na lang ng walang hanggang.

    ReplyDelete
  2. Ah, pag-ibig, ika'y masyadong "complicated." Bakit nga ba ang iba ipinagpipilitan pa rin ang bawal na pag-ibig? Yung iba naman kahit ilan beses nang nasaktan ng ka-relasyon, tuloy pa rin. Tanging ang sarili lang natin ang makakasagot sa tanong ng kanta. Kung hanggang saan natin ipaglalaban ang ating pag-ibig, anuman ang sitwasyon.

    ReplyDelete
  3. Hmmm.. gano nga ba kadalas ang minsan? Come to think of it, I really haven't thought much about the lyrics of this song.

    ReplyDelete
  4. Isang klasikong awit ito. Napakaganda ng mensahe ng kanta. Ating tandaan, ano mang bagay kapag hindi ukol, hindi talaga bubukol. Mayroon talagang laan ang Diyos para sa akin.

    ReplyDelete
  5. I love this song, I love this movie, and yes, I am guilty of using this at times and I can deliver the entire line in all seriousness. :)

    ReplyDelete
  6. napakanta nmn aq dun! love is too complicated indeed! never get too right or too wrong. xx

    ReplyDelete
  7. Ay Ate Tess, natulala naman ako dito after ko basahin lahat. Songs can move me soooo easily that some of them can even move me to tears kahit hindi ko naman istorya yung nasa kanta hahaha
    "Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan?
    'sin dalas na rin ng dami ng bituin, waring walang hangan.
    Gaano kadalas ang makapiling kang minsan?
    Sa 'kin 'sin dalas ng walang wakas, saglit man magpisan.
    Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan?
    Kahit minsan lang sa 'kin para bang walang katapusan"
    The lines above only show how the feeling of a single kiss can last really long and how difficult it is to move on if you truly love the person.

    ReplyDelete
  8. poignant song, aside from the lyrics the melody and interpretation of the singer makes it a lot more appealing and many could relate to its message

    ReplyDelete
  9. lecheng pag-ibig yan bakit nga ba nausouso pa yan! Lol :D

    matanong ko lang po.. ano ba ang english sa Gaano Kadalas Ang Minsan? ahaha di ko talaga alam.. :D

    ReplyDelete
  10. I remember my dad singing this song too kapag may bday party sa village namin. haha! ang minsan which is dapat once lang in a perfect world. But since wala sa vocabulary ng puso ang word na minsa, nagiging madalas ito at pagibig ang nagtutulak dito.

    ReplyDelete
  11. ganyan talaga ang life dk nman bibigyan ng Diyos ng isang pagsubok kung hindi mo kyang lutasin,At sabi nga ng Diyos kung di ka dw niya bibigyan ng pagsubok mkklimutan mo sya dahil puro ka lng ligaya...

    ReplyDelete

Your comments are highly appreciated. Thank you!