Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Thursday, July 25, 2013

Pagkakaiba ng Magulang na OFW Noon at Ngayon


Noon: Kaya kami nagtatrabaho para mapag-aral at mapagtapos ng kolehiyo ang mga anak namin

Ngayon:  Kaya nga kami nagtatrabaho para maibigay sa mga anak namin ang mga bagay na hindi namin naranasan dati.

Ang laki ng kaibahan ng klase ng mga magulang noong araw at sa modernong panahon. Wala na yung mga magulang  na nagpapakahirap magtrabaho para mapagtapos ang mga anak or kung meron man ay kakaunti na lang. Pangkaraniwan ng naririnig na katwiran sa mga magulang ngayon yan pag nasabihan or natanong kung bakit nila pinamimihasa ang mga anak sa pagbili ng mga materyal na bagay. Hindi na priority ang  pag aaral basta may latest cellphone, tablet, ipad, iphone at lahat ng luho na maaring  ibigay sa  mga anak at asawa. Ayaw papahuli  ang pamilya at maging kawawa sa mata ng ibang tao.

Madalas itong mga ganitong sitwasyon sa mga OFW, ang mga magulang na nangingibang bansa para sa pamilya ay super tipid sa pagkain at paggastos sa ibang bansa, lahat halos ng sweldo ay pinapadala sa pamilya at bawa't hingi ng mga anak bigay kaagad, kaya naman ang mga anak akala madaling kitain ang pera sa ibang bansa at nakakalimot na magsikap sa pag aaral. May bagong cellphone, malaking school allowance, kain dito kain doon, maglalakwatsa sa oras ng klase, makikipag boyfriend or girlfriend kasi may panggastos at pangdate naman, hanggang mabuntis at tuluyan ng tumigil sa pag aaral. Sa pagkakaroon ng pasaway na anak walang ibang dapat sisihin kundi ang mga magulang. Si nanay na naiwan sa Pilipnas ay hindi marunong magtipid at magdisiplina sa anak. Si tatay na bigay lahat ng sweldo sa asawa ay masaya ng nakikita na sagana ang mga anak sa materyal na bagay. nakalimutan na mag ipon para sa kinabukasan. Si OFW, tuwing magbabakasyon ay ubus ubos ang naipon kakapasyal at kakabili ng lahat ng makita sa mall at bigay todo sa kapritso ng mahal na asawa at mga anak. Sikat kasi di ba?

Sakit na siguro ng mga Filipino yan, at mahirap na mawala lalo na at nakaranas kumita ng malaking halaga sa pagtatrabaho sa ibang bansa. May mga nagtatagumpay na mapagtapos ang mga anak at makapagpundar ng ari arian pero mas marami pa rin ang umuuwing luhaan pag lipas ng panahon, balik sa mahirap na buhay at walang sariling  tirahan habang ang mga anak ay kasabay nilang naghihikahos sa buhay. Di ba mas nakakaawa yun? Sa panahon na kumikita ng pera ay hindi natutong magpahalaga at inuna ang kapritso ng bawa't isa. Sad truth about OFW na magpahanggang ngayon ay  binabalewala ng karamihan. 

Nasa huli ang pagsisisi, ayaw man nating isipin ngayon pero balang araw malalaman natin ang kahalgahan ng pagsususumikap para mapag aral ang  mga anak at hindi para maibili ng materyal na bagay na panandalian lamang at puro pakitang tao.

Mga OFW, kailan kayo magigising, tama na ang  maling paggastos.



19 comments:

  1. Sa aking palagay, and pagbibigay ng sobra-sobrang luho ng mga OFW sa kanilang mga anak ay may kinalaman sa "guilt syndrome" dahil sa sila'y malayo at hindi maipadama ang kanilang pagmamahal sa ibang paraan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. May point po kayo Ms. Teresa. Marami po akong kilalang ganyan.

      Delete
  2. My family is in Australia, yes minsan aakalain mo talaga ganon lang kadali kasi ang bilis magpadala. Pero nung nagpunta ako don, dun ko nalaman yung hirap makapagpadala ka lang sa pinas. Yung ang mamahal ng bilihin pero magtitipid ka kasi manghihinayang ka sa kakainin mo, tipong, iisipin mo na ipandagdag nalang sa ipapadala mo yung gagastusin mo. Sobrang hirap talaga mangibang bansa at sana maramdaman at maappreciate yon ng mga kapamilya dito sa pinas.

    ReplyDelete
  3. Tama, nagiging magastos ang mga OFW kapag andito at nagiging maluho din mga naiiwan dito kaya minsan hirap na hirap na OFW lagi pa rin silang hinihingan ng pera.

    ReplyDelete
  4. Siguro sa majority yan ang kanilang gustong gawin para makapagrabaho sila sa ibang bansa. Pero naniniwala parin naman ako na may iba parin na nagtratrabaho sa ibang bansa para maipagtapos nila ang kanilang mga anak.

    ReplyDelete
  5. Tungkulin rin ng OFW na ipaliwanang ang dahilan sa pamilya kung bakit ikaw ay makikipagsalapalaran sa ibang bansa at nais mong matamo.

    ReplyDelete
  6. i really have a huge respect with OFW because my dad was once a seaman. you guys are really the hero of this century! :)

    ReplyDelete
  7. very nice blogpost. I've been living in Singapore for 5 years and Now here in Malaysia. Almost most of my friends are OFW looking after foreign kids for years and I may not feel exactly how they feel but I am sure they are happy seeing their kids getting good educations from working hard and of course buying this modern things for them once in a while with limitations is not bad. hehe

    ReplyDelete
  8. People should be given education on proper money management to value their financials and make sound investments.

    ReplyDelete
  9. Nakakalungkot naman ito kung talagang ganito na ang rason ng mga OFW na magulang. Naiintindihan kong napakalawak na ng Filipinong middle class at halos lahat ay gustong ma-maintain ang nakagisnan nilang lifestyle, o kung di nama'y maabot ang ganitong klaseng pamumuhay. Pero kung sinu-spoonfeed na ng mga OFW na magulang sa mga anak nila ang sobrang luho, nakakalungkot dahil malaki ang chance na mamimihasa ang mga bata at lalaking dependent. *sigh*

    ReplyDelete
  10. Tama ka sa mga sinabi . Saksi ako kung paano lustayin ng aking kapatid ang pinaghirapang sahod ng aking OFW bayaw. ang mga pamangkin, sagad sa luho, kung ano ang uso meron sila. Ang masakit lang hindi palaging pasko sa kanila. Ngayon, halos ipangutang pa nila ang pangmatrikula ng kanilang panganay. Ang Sa akin, kahit nasaan ka man ng tratrabaho, basta tama lang ang paggastos mo. so sure na uunlad ka.

    ReplyDelete
  11. Nakakalungkot talaga ang ibang mga OFW paguwi nila. Dapat may paraan na ginagawa ang gobyerno at pribadong sektor para hindi na nila kailangan umalis ng matagal para kumita ng pera :(

    ReplyDelete
  12. Generally, nagtatrabaho sa ibang bansa ang mga magulang or kahit sino na mau sariling pamilya, upang makaahon sa kahirapan sila. Pero mali. Walang pakudangan ang pag-aksaya ng pera ng mga bata o asawang naiwan sa pinas. sa bandang huli walang nadatnan ang pagsisikap sa abroad. maraming pamilyang nawawasak, mga buhay nawawala. magsisihan ba? siempre lang yun.

    dapat meron kontrol, me tamang budget or disiplina sa paggasto. dapat may displina, pagmamahal, awa at matakot sa Panginoon.

    ReplyDelete
  13. My dad is an OFW and he spoils everyone in the family. And I'm so proud of him because he never fails to make me feel that I am loved and cared for despite the distance.

    I believe that not all OFWs are really spendthrift. Just like my dad and some of his friends, they spend much but makes sure that they have savings. That's the secret - SPEND A LOT BUT SAVE MORE.

    ReplyDelete
  14. This is so true! I feel you Ms. Tess. Parents of today not only provide the needs and necessities of their kids, but also the wants. I just hope that these kids do their part too, which is to take care of the things given to them and spend the money well. And yes, sana lang po hwag masyadong ubos-ubos biyaya ang ating OFWs pagbalik sa Pinas =)

    ReplyDelete
  15. Sa aking palagay pinupunan ng mga magulang na nag aabroad ang inaakala nilang pagkukulang nila ng atensyon sa kanilang mga anak kaya konting hiling bigay na akala nila iyon na ang katumbas ng kanilang atensyong dapat iukol habang sila ay nasa malayo at sa dami ng nauusong mga modernong gadyets ngayon madaling mahikayat o maingganya ang mga kabataan na doon ilaan ang perang ipinapadala sa kanila at hindi sa pag aaral o sa ibang bagay na alam nilang sa ikabubuti ng kanilang kinabukasan.

    ReplyDelete
  16. Hay naku! meron akong kapatid na nasa abroad lahat ng anak naghihintay lang ng padala di pa natatapos ang isang linggo heto na marami na uling idadaing na gastusan si kapatid naman me pagka ewan. Napakaswerte ng mga nag aabroad ngayon na pinapahalagahan ang ano mang bagay na binibigay ng magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa.

    ReplyDelete
  17. I totally agree, parents today forget the true essence why they work abroad. Technology and modern mentality rule the world now. People tend to disregard the value of good education and prioritize material things more.

    ReplyDelete
  18. This is true especially to most people I know. And its sad na parang hindi nakikita sa mga anak ng mga OFW ang pagpapahalaga sa pera na kinita ng kanilang mga magulang. Yung iba ni hindi man lang mabigyan ang magulang ng magandang marka o maipasa ang subject. Nakakalungkot at nakakaawa ang mga magulang. :(

    ReplyDelete

Your comments are highly appreciated. Thank you!