TULA PARA SA BAYAN
by: Precy Jurado
I
Tula'y para sa yo, Janet Lim-Napoles
Ang dapat sa iyo'y, mahuli ng pulis
Madami na ang sa iyo'y tumutugis
II
Kung pangalan mo'y ayaw mabahiran
Ng malabis na mga katiwalian
Bakit di sa lahat iyong ipangalandakan
Sino ang may sala, sabihin katotohanan
III
Mga kasabwat mo,doon sa senado
Sila ay di na dapat pang ibinoto
Kawangis ninyo'y tila isang delubyo
Walang ipinag iba sa isang demonyo
VI
Kurakot ng bayan,kung mamarapatin
Sa batas ay dapat na papanagutin
Sapagkat kayo'y pahirap sa amin
Kaya halos lahat, wala ng makain
V
Anong ginagawa, wag tayong tulala
Ipagsigawan natin sa lahat ng madla
Pork barrel scam ay dapat na mawala
Kesa kurakutin ng mga timawa
VI
Kaban ng bayan,ating babantayan
Sapagkat ito ay ating pinaghirapan
Di naman mawala ang mga kawatan
Talagang sila'y salot sa ating lipunan
VII
Salaping kinita ng bawat isang Juan
Tuwing sasahod ay laging kakaltasan
Doon daw ilalagak sa pondo ng bayan
Kaya't dapat lamang na pangalagaan
VIII
Kung walang kasalanan,ngayon din magtungo
Iyong isiwalat lahat ng nalalaman mo
Sa harap ng tao at buong senado
Pati na kasapakat sa kaso mong ito.
Ang galing ng pagkagawa. Sana makaabot ang tulang ito sa kinauukulan.
ReplyDeleteHaha this poem is just so right. I hope this gets published in major newspaper or be shared in public tv! :)
ReplyDeleteIf only poems and other literature would help the government and the Filipino people to capture all the crook in the country, then we might be the most peaceful country on earth.
ReplyDeleteSana mahuli na si Napoles at pati mga pulitikong nakinabang panagutin na.
ReplyDeletethe poem sounds really good!! everyone should start reading this atleast knowing the news in a different form is cool and fantastic idea!
ReplyDeleteFilipinos' creativity really go into high gear when confronted with national issues like this. The country really deserves better.
ReplyDeleteFilipinos residing in Manila must take part in today's Million People March happening at Luneta! ♥♥♥
ReplyDeleteGaling! Tamang tama yan kay napoles sana mahuli na!
ReplyDeletehaha galing niyo po naman! :D kainis talaga to sila :( kay hirap na nga ng bayan natin, nakukuha pa nilang magnanakaw ng milyon milyon :/
ReplyDelete"Kung walang kasalanan,ngayon din magtungo
ReplyDeleteIyong isiwalat lahat ng nalalaman mo"
That line reminds me of what seem to be an "usap-usapan" na friends of the Napoles are slowly leaving her side and there maybe a threat to her and her family's lives. That said, it may leave her with no choice but to surrender and to get protection program from DOJ.
Mas mabuti pa siguro na magpakita na at magsalita na lang siya kung sinu-sinong mga ulupong na pulitiko ang kasabwat nya baka kahit paano at kahit konti may awa pa siyang makuha
ReplyDelete