Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Sunday, August 18, 2013

An Open Letter to Janet Napoles




Sobra nga naman ang ginawa nitong si Janet Napoles saPilipinas. Hindi mo akalain, ginawa nyang tangengot lahat ng Filipino na nakatutok lang ang  mga mata sa mga gahamang pulitiko. Mga pulitiko na subok na ang pagiging kawatan. Si Janet Napoles pala  yung  matagal ng  magnanakaw na tumutulong sa mga Senador at Congressman na maibulsa ang pera ng bayan. Si Janet, isang civilian na yumaman dahil  nagpursige na maging tagapamahala sa  pagkabuwaya ng mga pulitiko,  at mag ayos ng  mga kailangang papeles para mapasakamay nila ang bilyun bilyong piso ng Pilipinas na galing sa mga  tax payers na naghihirap sa pagtatrabaho at ni hindi makabili kahit kakarag karag na sasakyan. Ito ang isang sulat galing sa galit na galit na mamamayan na siguro kahit makarating kay Janet at sa pamilya nito ay babalewalain lang nila kasi makapal na mukha nila at hindi tinatablan ng kahihiyan. Sige lang tago lang ng tago pero sana mahuli ka rin at maparusahan.

Dear Janet Napoles,
Pasensya ka na at sinulatan kita. Hindi na kasi ako makapagpigil. Hindi ako manunulat. Isa akong ahente ng kung ano ano, 18 years nq ako nagttrabaho, buong buhay ko ahente ako. Nagbenta na ako ng grocery items, plan ng cell phone, insurance, credit cards, kotse, kabaong, condo, barley, lahat pinatulan ko. May dalawa akong anak 6 at 9, babae pareho. Ang Mrs ko hindi ko na alam nasaan na cya kasi mula ng nag Qatar cya noon 2009 hindi na kami tinawagan. Sinulatan kita kasi galit na galit ako sayo. At sana kahit papano mabasa mo ito, kasama ng asawa mo, mga anak mo, mga kaibigan mo, at mahiya ka, mahiya ang mga kamag anak mo, mahiya ang mga kaibigan mo sa kawalanghiyan na ginawa mo.
Marami na akong nabasang pagnanakaw sa gobyerno mula sa pagkukurakot ni Marcos, nila Erap, Arroyo, lahat ng mga scandal na yan , pero ngayon lang ako talagang nagalit sa scandal mo. Lahat ng mga politiko kasi kahit papano may ginagawa kahit kurakot sila. Nasa linya nila yan. Sabihin natin na sa bilyon na na kurakot nila, pero kahit papano may tulay, may airport, may ospital o kalsada na nagawa, may mahirap silang pinakain, may mga batas na pinairal na nakatulong sa taong bayan. Ang San Juan pinaganda ni Erap at mahal na mahal cya ng mga tao doon kasi tinutulungan sila. Kahit si President Arroyo may mga ginawang reporma sa econimiya na nakatulong sa pagusad ng bansa natin ngayon. Eh ikaw, ninakaw mo lang ang pera ng mahihirap. Ghost deliveries, forged documents. Ginawa mo lang talagang tanga ang taong bayan. Para saan? Para mamili ka ng trentang kotse? Ilan ba kayo sa pamilya? Apat lang kayo diba? Bakit kailangan nyo ng trentang kotse? Iba ba ang sinasakyan nyo sa umaga, sa tanghali, at sa gabi? Ginawa mo cgurong lalagyan ng pera ang mga kotse na yan noong puno na ang bath tub mo ano? Lantarang ninakaw mo lang ang pera na nanggaling sa bulsa ng mga dukhang emplayado na katulad ko.
 Mayabang ka kasi. Ano ba ang akala mo sa mga tao. Lahat kami tanga? Lahat kami mauuto sa kwento mo na galing sa Indonesia ang kayamanan mo?  Kung ako hindi tanga mas lalo na ang mga taga NBI at COA. Naniniwala ako na kahit corrupt ang karamihan na ng dyan, may mga tao dyan na totoong naglilingkod sa bayan, at ginagawa lang ang trabaho nila sa paghabol sayo. Nabasa ko na noong binunganga ka ng mga informants, naiyak ang isang taga NBI sa kwento. Alam mo kung bakit sya naiyak? Kasi itong NBI agent na yan katulad ko rin yan na bwan bwan naghahabol ng pambayad sa Merlaco, renta, insurance, matrikula, at pambayad utang. Naiyak cya kasi katulad ko hirap na hirap kami kumita, at ito ang kwento mo na sampung putanginang billion pesos ninakaw mo.
 Hindi mo cgurong inakalain na papatulan ka ng NBI? Akala mo cguro mabibili mo ang lahat? Kaya gigil na gigil sayo ang NBI, COA, BIR, at cguro ang buong sambayanang Pilipino, kasi ilang pamilya na sana ang nakatawid kung ang 10 bilyon na yan ay napunta sa kanila, ilang studyanteng napaaral na sana, ilang sakong bigas ang nabili at napakain sa batang lansangan, ilang ospital na para sa mahihirap ang napatayo, ilang mga OFW na sana ang napauwi, ilang matanda na sana ang nabigyan ng mas magandang pensyon. Maraming buhay ang nasira nyo madam.
 Magtago ka nalang. Kasi kung ako makita kita sa kalsada sasagasaan kita. At mainam na cguro malaman mo na hindi lang ako ang galit na galit sayo. Buong Pilipinas galit sayo. Wala kang puso magnanakaw ka.
Bwiset ka,
Ahenteng Galit

5 comments:

  1. mabuhay ka ahenteng galit kaso maghabol na tayu sa tambol ni Mayor close kaya sila ni Delima pinatakas pa nga ah...

    ReplyDelete
  2. gusto kong magpusong mamon kay napoles e -kasi mas nais kong ibuhos ang GALIT ko sa mga taong nasa likod niya. ung mga taong akala natin ay mag-alalaga at magpapatupad ng tamang sistema tungo sa ikagaganda ng bayan -yan, yan -ang mga nais kong MADIKDIK :)

    ReplyDelete
  3. I hope she'll be so guilty that she'll be imprisoned for life and return the money to the people who paid big taxes. 10 Billion Pesos can do so much for our country and for our people who are still experiencing hard life.

    And Kudos to the agent who wrote this letter! Tapang mo tsong! :D

    ReplyDelete
  4. Nakakagigil pag napapagusapan ang Napoles. karma karma rin yan..Tsk Tsk Sobrang nabulag sa pera.

    ReplyDelete
  5. Taos puso kung binasa ang liham na ito hanggang sa pangalan ng may-ari ng sulat na ito. At ito ang masasabi ko, "Life is really unfair".

    ReplyDelete

Your comments are highly appreciated. Thank you!