OFW ang tawag sa mga Filpinong nagtatrabaho sa ibang bansa, nagtitiis mapalayo sa pamilya para lang mabigyan sila ng maayos na buhay. Pero pinapahalagahan kaya ito ng mga pamilyang iniwan sa bansa. Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng Overseas Filipino Workers hindi lang sa pamilya kundi maging sa pamahalaan?
Bayani raw ang OFW- Dahil ang ipinapadala nilang remittances ay nakatutulong sa ekonomiya ng bansa. Pumupunta sila sa ibang lupain para sa sarili nilang kapakanan. Nagsasakripisyo sila para iangat ang kanilang buhay. Kumikita ng mas malaki para sa pamilya. Ipinapadala nila lahat ng sweldo dito sa Pilipinas hindi dahil sa gusto nila, kundi dahil sa ito ang kailangan ng pamilya nila. Bayani nga bang maituturing ang mga OFW?
Mapera ang mga OFW- Palagi nating naririnig sa mga kaibigan ito, "uy mayaman ka na pala!" o kaya, "pasalubong naman." Naku naman, paaanong mayaman kita nyo nga at sa dati pa ring maliit na bahay nakatira, napuno lang ng modern furnitures at updated palagi sa bagong modelo ng cellphone ang mga anak, bukod sa ipad. Yung asawa, panay ang gastos tuwing may padala ang asawa, galit sa pera kaya gusto ubusin kaagad.
Mahirap maging OFW- Dahil sa kagustuhang maibigay ang lahat ng gusto ng asawa at anak, kailangang magtipid ang OFW. Tuwing sweldo, ipinapadala halos buong sweldo, at mag- iiwan lang ng kaunti para sa pangunahing pangangailangan. Konting tipid sa pagkain basta nakakakain ng masarap ang pamilya. Paunti unti, bumibili ng mga ipapasalubong para sa susunod na bakasyon. Karamihan sa OFW, sa dami ng kamag anak, lahat kailangan bigyan para hindi magtampo. Kaya ayun si kawawang OFW, isang taong mag iipon ng mga sale or promo items para mapasalubungan ang lahat.
Matiisin ang OFW- Kailangan mangibang bansa dahil wala namang maaasahang trabaho sa Pilipinas, sama sama nga pero kumakalam naman ang sikmura. Konting sakripisyo para sa pamilya. Tiis lang kahit nahohomesick at nagkakasakit, ang mahalaga ay makapagpadala ng pera buwan buwan. Mabuti nga at may Facebook na, kahit papaano, araw araw ay nakakabalita sa isa't isa at updated palagi ang pictures.
Tumatanda rin ang OFW - Huwag naman sanang tumanda ng walang naipon or mamatay sa ibang bansa dahil kawawa ang pamilya na walang naipon matapos ang mahigit sampung taong pagtatarabaho. Ipun ipon din, maraming time para makapag ipon. Sa mga OFW, hindi masamang bigyan ng masaganang buhay ang pamilya, huwag lang kalimutang magpundar. Mas maganda kung imbes na gadget, bumili ng hulugang ari arian.
OFW, Bayani nga ba? Oo naman, ang laki yata ng nakukahang pera ng gobyerno sa mga remittances natin. Sa laki ng dolyar na pumapasok sa bansa, nakakatulong ang OFW hindi lang sa pamilya kundi pati na rin sa pagbangon ekonomiya. Marami na ring OFW ang nagbuwis ng buhay dahil sa mga walang pusong amo. Nakakaawa rin na ang mga tinaguriang bayani ay naaapi at minamaltrato. Pero anuman ang pagsubok na dumating, matatag pa rin ang mga OFW, basta sa pamilya nagpapakabayani.
Sa mga may kamag-anak na OFW, katulong man or kahit anong klase ng trabaho, be proud of them, mapalad ka at may nagsasakripisyo para sa iyo.
0 comments:
Post a Comment
Your comments are highly appreciated. Thank you!