Noon: Kaya kami nagtatrabaho para mapag-aral at mapagtapos ng kolehiyo ang mga anak namin
Ngayon: Kaya nga kami nagtatrabaho para maibigay sa mga anak namin ang mga bagay na hindi namin naranasan dati.
Ang laki ng kaibahan ng klase ng mga magulang noong araw at sa modernong panahon. Wala na yung mga magulang na nagpapakahirap magtrabaho para mapagtapos ang mga anak or kung meron man ay kakaunti na lang. Pangkaraniwan ng naririnig na katwiran sa mga magulang ngayon yan pag nasabihan or natanong kung bakit nila pinamimihasa ang mga anak sa pagbili ng mga materyal na bagay. Hindi na priority ang pag aaral basta may latest cellphone, tablet, ipad, iphone at lahat ng luho na maaring ibigay sa mga anak at asawa. Ayaw papahuli ang pamilya at maging kawawa sa mata ng ibang tao.