Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Friday, February 12, 2010

Home Along the Riles...


                                                           photo by Danny Y. Go

Kaninang umaga,habang pinapatulog ko ang anak ko at pinanunuod ang asawa ko sa paghahanda patungong trabaho, bigla na lang pumasok sa isip ko ang "HOME ALONG THE RILES" tv show nila Dolphy at Claudine Barreto. Napakapopular nitong comedy show noong araw at pinakaaabangan ng lahat every week.Isa ito sa mga favorite show ko noon. Nakakarelaks kasi at talaga namang nakakakatuwa ang script at kakulitan ng mga artista.

Syempre sino ba ang makakalimot kina Marimar, Mara Clara, Ana Liza at Flor De Luna at sa kontrabidang si Lola Agueda noong araw. Yes, naabutan  ko ang mga ito at walang pinalagpas na episode  at kahit nuong isapelikula ang Flor De Luna, college na o non pero pinanood ko talaga sa sinehan. Saliod pa nga ng UERMMC, kung saan ako nag aral  at kumukuha ng mga pasyente ang location shooting nila.

Nowadays, iba na ang mga soap opera at masasabing ang laki na ng pinag iba. Kung noon ang mga show ay inaabot ng 2 years sa ere at kung saan saan na napunta ang storya at kung sino sino ng mga karakter ang nagsilabasan pero sige pa rin na inaabangan ng mga tao habang inis at halos isumpa na ang mga kontrabida sa buhay ng mga bida.

Naalala ko yung diary ng Tiyo Kardo ng  Mara Clara na kung sinu sino at kung saan saang malalayong lugar na napadpad pero nakikita pa rin at di lumalayo sa kanila at naging susi para malaman nila ang katotohanan. Imposible pero nagging possible sa soap opera.

Ngayon naman ay mabibilis ang istorya at talaga namang susundan mo if not ay may mamimiss kang big scene.

Habang nasa Qatar, ito ang mga napanood ko, "Aqua Bendita", a story of twins, isang normal at isang taong tubig. Nandyan din yung kay Kris Aquino at Gabby Concepcion na "Kung Tayo‎'y Magkakalayo" at as usual same old love story na masalimuot, "Dyesebel" na kung saan ay ilang artisat na ang gumanap pero masarap pa ring panoorin, "Rubi" na pinangungunahan ng magaling na aktres na si Cherry Pie Picache. Mabibilis ang takbo ng mga istorya at masarap panoorin lalo na pag malapit na ang ending.

Sa mga katulad kong housewife ito ang isa sa pampalipas ko bukod sa pag iinternet.



0 comments:

Post a Comment

Your comments are highly appreciated. Thank you!