Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Thursday, November 3, 2011

Ulirang Ama at mga Pasaway na Anak - An OFW Story



Karaniwan nang  ang mga  OFW ay nagtitiis ng ilang taon sa ibang bansa para mapag aral  ang mga anak. Nagtitipid at tinitiis ang pangulila matustusan lang ang mga gastusin sa eskwelahan. Subalit ilan ba sa kanila ang nagtagumpay na mapagtapos sila. Si Manong OFW ay isa sa nakikipagsapalan sa Gitnang Silangan na  mahigit 20 taon ng malayo sa pamilya mapagtapos lamang ang 3 anak.

Narito ang isang kabanata sa buhay ni Manong OFW base sa isang salaysay na talaga namang nakakaantig ng puso.

             Madalas  kong  inaabutan si Manong OFW na sa tingin ko ay mahigit 50 anyos na kumakain sa kusina, shifting kasi siya kaya either papasok or  kakagaling pa lang sa trabaho. "Hi kuya, musta po?"ang bati ko. Napansin ko na ang ulam nya ay pritong tuyo at kamatis, minsan naman tuna or itlog, halatang super tipid. "Hello ma'm eto, ok lang, kain po tayo ma'm." masayang sagot ni Manong OFW. Takam mode pero di ako nagpahalata "sige lang kuya akyat muna ako sa taas sandali." muli kong sagot habang paakyat sa taas ng bahay paupahan na kung saan ay isa si Manong OFW sa matagal ng nangungupahan ay sumagi sa isip  ko na madalas siyang nadedelay sa upa dahil exam ng anak at may mga bayarin sa eskwela. Mabait si Manong kaya pinapayagan na lang ng landlady dahil alam na nga ang sitwasyon nya at isa pa nga ay di naman kalakihan ang sweldo nya na halos ipinapadala lahat sa pamilya. Maya maya ay bumaba ulit ako, "kuya wala yatang tao sa taas? hintayin ko lang po sila sandali” ang sabi ko kay kuya na patuloy pa rin sa pagkain. “Musta na pagbubuntis mo ma’m?” tanong muli ni Manong OFW . Na sinagot ko naman ng “Ok lang po kuya, kayo musta na trabaho nyo at pamilya sa Pinas?” “Ok lang din, kahit mahirap ay tinitiis”, patuloy na sagot ni Manong OFW. Konting tiis pa kuya, makakaraos ka din pagkagraduate ng Nursing mo! Nahihiya man ay muling sumagot si Manong OFW “Di ko na inaasahan yun ma’m, eh yung anak kong 3rd yr sa Nursing nag-asawa na di na tinapos ang pag-aaral.” Nagulat ako subalit di nagpahalata,pareho kaming natahimik  at doon ko nakita ang lungkot sa kanyang mga mata. Bigla ko tuloy naalala ang anak nya na ka FB ko kung saan nakikita ko ang mga gimik at lakwatsa kasama ng barkada sa pictures at ngayon nga nalaman ko na lang na nabuntis  pala at nag asawa na.

Nung mabasa ko itong kwento tungkol ke Manong OFW ay hindi naiwasang maawa ako at makaramdam ng inis sa mga anak nya. Karaniwan na nating naririnig na di bale ng walang ipon o investment basta mapagtapos lang ang mga anak pero sa kwento ni Manong OFW hindi lang nawala lahat ang pinaghirapan nya kundi pati na rin ang pag asa nya. Pero sino nga ba ang makakapagsabi ng future? Sino rin kaya ang dapat sisihin sa mga nangyari sa anak ni Manong OFW? Siguro nga swertihan lang ang magkaroon ng matinong mga anak ? Ano nga ba ang tamang pagpapalaki? Ang daming katanungan pero mukhang mahirap sagutin. Pero isa lang ang masasabi ko, sana wala na lang mga pasaway na anak.


61 comments:

  1. Sana ituloy pa rin ng anak nya ang pag-aaral kahit nag-asawa na. Sayang naman ang efforts ng tatay nya.

    ReplyDelete
  2. Waaaa. Sapol sa noo ang pinsan ko! Buti nalang good girl ako! ;) Walang boyfie2 muna!

    ReplyDelete
  3. yan ang kadalasan nangyayari, in our case nag abroad din ang daddy ko, kahit nadisgrasya sya sa isang sakuna sa malayong lugar ay di sya tumigil sa pagtatrabaho doon upang mapatapos kaming magkakapatid, ramdam ko ang hirap ng tatay ko kaya nagsikap akong makatapos at binigyan ko pa sya ng karangalan, naka-graduate ako in flying colors as Cumlaude sa kursong BS Tourism sa UST, subalit ang sumunod sa akin ay hindi kapareho ng nararamdaman ko, aba e nagtanan ang bruha, nakita ko kung paano umiyak at nasaktan ang aking ama, ako man ay nagalit sa kapatid ko at pinagalitan ko din pero wala na kaming magagawa dahil nabuntis na sya. pinilit pa rin sya ng aming ama na ipagpatuloy ang pag aaral nya dahil 4th yr. na rin sya at isang semestre na lang pero nagmatigas at ayaw na mag aral, ngayon nya narerealize ang pagkakamali nya noon dahil puno ng paghihirap sa buhay ang pinagdaanan nya :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. It's sad na kahit pinilit itaguyod ang kanyang pag-aaral ay umayaw pa rin. In the end, sino ang loser? Nalugi man si tatay kasi nawalan ng kwenta ang kanyang paghihirap, ang hindi nakapag tapos pa rin ang talunan...at dahil magiging magulang na rin sya. Maaalala rin nya at mararanasan din kung paano magtaguyod ng anak.

      Delete
    2. pareho tayo joy alam natin ang hirap ng ating mga magulang. nakatapos ako at ngayon masayang nabubuhay sa canada kasama ang pamilya. di tulad ng sumunod sa akin pinilit patapusin pero ayaw na nyang mag-aral. talagang nasa huli ang pagsisisi.

      Delete
  4. My mom is an OFW and I am proud that she is working hard for our family...I love my mom! I am doing my best to be a good daughter to her for a payback...

    ReplyDelete
  5. may part na tinamaan ako , my father used to be an OFW din po, pero proud naman din ako na di namn ako pasaway na anak at nagaaral ako ng mabuti :)) .. dI AKO TUTULAD JAN ,, pero wala nga namang makapagsasabi ng future no . Nakakaawa tlga ang mga magulang na nagpapakahirap pero di alintana ng mga anak . Ni konting appreciation di mabigay. Kaya ako , I always do say THANK YOU to my parents.

    ReplyDelete
  6. I can relate to that :-(; kawawa naman yung mga nasa abroad, nagpapakasakit para lang sa mga mahal sa buhay, kaso yung mga anak di man lang maisip yun :-(....

    ReplyDelete
  7. wawa naman si manong ofw and true na true naman talaga yang mga ganyang istorya. alam mo yun bibihira ang responsableng ama, hindi pa pinahalagahan ng anak.

    Ang pagsisisi ay nasa huli para sa mga taong pinapalampas ang pagkakataon na mag-aral. marami akong kilalang ganyan.

    ReplyDelete
  8. naku, sana nga lahat ng anak hindi pasaway

    ReplyDelete
  9. akala siguro nung anak nya masarap ang buhay ng tatay nya sa ibang bansa...maraming ganun ang takbo ng utak. yung bestfriend ko nga kanda-iyak na, madalas ako ang tanungan kung naiisip man lang daw ng kapatid nya kung nagkakasakit ba sya or kung kumakain pa sya ng matino. dapat talaga magkaron ng tamang pananaw yang mga tumatanggap at umaasa na yan para naman nalalaman din nila...itong panganay ko madalas ang pangaral ko and thank God sumusunod naman, palagi kong inaalagaan sa church para mabait. :)

    ReplyDelete
  10. grabe ganyan dalawa kong insan pareho nursing tapos magkasunod nabuntis. T_T Canada na sana naudlot pa. At parehong di RN kasi ung una di tinapos. Ung pangalawa di makapasa pasa dahil busy sa mga anak. yes MGA! hay okay lang sana kung me work ang mga asawa pero wit din. crazy. I'd never do that to my parents. pero uso to for some reason.

    ReplyDelete
  11. Mahirap nang i-adjust ang buhay ng anak na may asawa na. Mabibilang lang sa daliri ang mga OFW na may matitinong mga anak.

    Katuwiran ng ibang anak, bakit di na lang daw sa Pinas mag-work ang mga magulang? Kaya nga nagsasakripisyo sila sa ibang bansa para din sa kapakanan ng pamilya nila. Hayy, meron talagang mga tao na di nag-iisip. Kung nag-iisip man, sa pansarili lang nilang benepisyo.

    Marms

    ReplyDelete
  12. dinadahilan nila malayo ang magulang .bakit kung sa PINAS kaya nagwowork mapag aaral ba silang lahat at magkakaroon ng pera? mga waalng konsiderasyon sa magulang

    ReplyDelete
  13. nakakaawa si manong ofw ! sana , magbago ang anak nya at magpakabait..sana maging ok na ang lahat sa knila at sa mga kagaya nila ng sitwasyon.

    ReplyDelete
  14. Kaya nga ako umuwi na lang. At imbes na pera ang ipapadala ko ay ang pagtuturo ko sa kanila na hindi lahat ng ikakaganda ng buhay sa mundo ay ang pagkakaroon ng pera. If they want to make their life better in the future they must have to learn the basics of life at papaano ba nila iyon malalaman if malayo naman tayo sa kanilang mga piling.

    Mapapalad ang mga magulang na ang mga anak ay nagkaka-mature ang isip ng maaga at may mga naiwan na gumagabay sa kanila. Pero kung wala, sayang lamang ang mga pagsasakripisyo natin diyan sa malayo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. bro pwede ba kitang makausa, nabasa ko kasi dito na umuwi ka lang para gabayan ang anak mo, ...i am an ofw who is in the crossroad of making a decision, need help in making this decision, kung uuwi na lang ako para gabayan ko ang anak ko or mag stay here to provide for their needs..im confused, ano ang impt sa buhay, ang presencia ng isang magulang or ang perang kikitain para sa mga anak...here is my ym id: bong372001@yahoo.com. salamat po

      Delete
  15. Nakakalungkot naman 'to.. :( Actually, we really can't blame OFW parents for what happened to their children. Complicated masyado ang parenting and malaking factor din ang environment ng mga bata. Di rin natin maaalis na may mga anak din talagang suwail o di marunong maawa sa magulang nasa bansa man o hindi.. :(

    ReplyDelete
  16. oh no. grabe. :(
    may kakilala din akong ganyan and i can't explain the feeling listening to the story :(

    ReplyDelete
  17. i've known a lot of people n ganito..kawawa mga magulang nila.. ;(

    ReplyDelete
  18. siguro okay lang kung pinabayaan yung anak pero hindi eh... hindi ko magets ang mentality ng ganyang mga kabataan *sigh*

    ReplyDelete
  19. :( isang malungkot na katotohanan para sa maraming pilipino :(

    ReplyDelete
  20. Isa itong malungkot na katotohanan sa panahon ngayon. Maraming naghihirap na magulang ang nagsasakripisyo para mapag aral lang ang mga anak nila. Ngunit sa kabilang dako, may mga anak din na napapariwara dahil sa kakulangan ng gabay. Kaya ako, di bale nang mahirap ang buhay sa Pilipinas, dagdag tiyaga na lang, pero di ko iiwan ang mga anak ko. Ayokong mawala sa tabi nila habang lumalaki sila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello bro. just read your insight, i am an ofw who needs an advice whether to go home na lang at gabayan ang mga bata or mag stay here sa malayo pero wala namang gumagabay sa anak ko, i would appreciate if you could give me insight..here's my ym id. bong372001@yahoo.com, salamat po ng marami

      Delete
  21. sobrang daming kwento na ang naririnig ko from my fellow caregivers here.. most of them are my friends and na witness ko kung pano sila mag lupasay sa kakaiyak dahil ang anak nabuntis, ang anak na lalaki may nasaksak nasa kulungan, ang asawa sumakabilang bahay na at may anak na sa kabit. Dugo't pawis ang puhunan dito pero binabalewala lang ng pamilya nila doon na parang akala nila namumulot lang ng pera sa kalye dito. Nakakainis ang ganun.

    ReplyDelete
  22. sad, alam natin na naghirap c manong OFW pero iba pa din kasi ang guidance ng parents...hirap talaga di mo alam kung anong ipaprioritize laging meron pros and cons...

    ReplyDelete
  23. Uhhhhhh! Sana hindi ko nalang nabasa. Nakakasakit ng kaluluwa :(( Affected much! Mga anak kasi feeling mayaman na naka-abroad lang ang magulang. Pasosyal-sosyal eh katulong lang naman minsan ang nanay sa abroad. Sus!!!! Kawawa lang ang mga OFW.

    ReplyDelete
  24. Kapag nag OFW ang mga magulang para sa anak nila, kikita sila ng pera pero isang bagay ang mawawala, ang personal na pag-gabay at pag-aalaga nila sa sa anak nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama ka po..isa po akong ofw na nag iisip now kung uuwi na ba ako or mag stay dito sa malayo...need ko po ng advice whether to go home na lang at gabayan sa paglaki ang mga anak ko or mag stay dito pero malayo at walang tumitingin sa kanya sa pag laki..need advice..salamat po : bong372001@yahoo.com and ym id ko.

      Delete
  25. Isa lang alam ko.. hindi ako masamang anak :) Namiss ko tuloy ang papa ko na nasa ibang bansa :(

    ReplyDelete
  26. Grabe nakakalungkot nga ang ganitong kwento.. kung hindi ang anak ang magluloko ang asawa naman. Sana kung hindi man totally mawala ang gantong scenario mabawasan naman. Kawawa ang ating mga magulang na ginagawa ang lahat para din sa mga anak at sa buong pamilya. :/

    ReplyDelete
  27. Naalala ko ang babaeng anak na nagpunta noon sa Kuwait. Isang taon lang sya nagtrabaho. Di niya natapos ang kanyang 2 taong na kontrata dahil sa kanyang mga 2 anak. Mabuti at maliliit pa sila ang aking mga apo. Paano kung malalaki na sila at si nanay nila nagsisikap, nagtitiis sa abroad para sa kanilang kapakanan tapos kagayang nangyari sa anak ni Manong OFW. Ang saklap naman, di ba? Ang mga anak na pasaway marami roon... Di nila binabale ang pagtitiis ng kanilang mga magulang mabigyan lang sila ng karanya-an sa buhay. Tapos iba pa ang ilang iganti sa kanilang mga magulang - ang sakit ng loob, ang kirot ng puso at anu-ano pa. Naawa ako kay Manong OFW. Napaiyak ako sa kanyang nadatnan. Kaso iyan talaga ang mapagmahal na magulang, may malasakit sa kanyang mga anak. Mabuhay po si Manong OFW. Papalain po sya ng Maykapal!

    ReplyDelete
  28. ,,sad but true..marami din akong kilalang ganyan..pati asawa actually pasaway..kawawa si OFW..hayts life..

    ReplyDelete
  29. Mahirap ang buhay OFW.. Kahit na hindi pako nakakranas na lumabas ng bansa, alam kong mahirap dahil ang tatay at ang mga kuya ko ay puro OFW. Mahirap ang trabaho dito sa atin, pero mas mahirap sa kanila.. Maliban sa pakikipag adapt sa ibang lahi, kelangang tiisin ang pangungulila sa pamilya..

    Nakakalungkot lang na merong ganyang mga anak.. Hindi man lang naisip ang hirap at sakripisyo na nagawa ng mga magulang..

    ReplyDelete
  30. reality bites...bad children :(
    sana may pagbabago pang mangyari . . .

    ReplyDelete
  31. Such a sad story, but I know it's a common one (which makes it sadder). If only children would all realize the sacrifices of their parents abroad. But then again, they are children, still psychologically immature, including the teenaged ones. That's why I'm opposed to being an OFW if you can't bring your family abroad with you. No amount of money can replace the guidance and love of being a parent who is physically present.

    ReplyDelete
  32. sari-saring kwento, drama at lungkot ang bumabalot sa mundo ng mga OFW. mahirap mabuhay pero kelangang makipagsapalaran. Ganun talaga.

    ReplyDelete
  33. Nako nako sana not all are like that. :( This made me sad. T_T

    ReplyDelete
  34. anumang kwento ng OFW ay talaga namang umaantig sa akin. Ako din ay parte ng Pamilyang OFW..ang aking mahal na asawa ay nasa saudi...madaming kwento, success and even failures..

    sa aking mga anak...hindi ko sila binubusog sa mga gadgets...ayaw ko kasi na isipin nila na parang gatasan lang ang papa nila. nap parang ATM.

    salamat din sa teknolohiya kasi araw araw na chat..malayo man physically ay nakakausap pa din nila ang OFW na ama para sa gabay.

    ReplyDelete
  35. Yong mga anak na di nag-iisip ay talagang nakakainis. Mahirap pa naman ang buhay isang OFW. Mwlay sa mga anak ay parang nakakabaliw pero di bali as long as may good result.

    ReplyDelete
  36. The OFW's son (or daughter) wasted the precious gift his/her dad can offer. Sayang lang.

    ReplyDelete
  37. This is sad, pero bakit kaya maraming mga batang nagreresort sa ganitong sitwasyon? Siguro we shouldn't be judging kids who fell into the trap of getting pregnant at an early age. That age is very critical, pag walang magulang na aalalay, mahihirapan ang mga anak na maka-cope-up with the environment.
    My parents are both OFW, they chose to live now in Italy, so I'm left here in Manila with my kids! Yes kids, but I never regreted it, kahit ang story ko ay nakakahiya, I finished college having had 2 babies at that time. Now I'm sending off my eldest to college, but he is not in any serious relation, important talaga na ang mga magulang ay present sa stage lalo na s age na mapusok at madaling madala ng barkad.

    ReplyDelete
  38. Kawawa naman si manong OFW. Kasama sa sakripisyo nya yung di nya madalas makasama ang anak nya at mabigyan ng gabay. Sana malaman din ng anak ang hirap na dinadanas ng magulang. Sa lahat ng binibigay ng magulang, ito'y natutustusan ng pag aaral ng mabuti at gumawa ng tama.

    ReplyDelete
  39. sayang naman... dasal lang talaga at patuloy na pangaral at communication ang importante. mahirap din sa mga anak ng OFW na wala minsan sila tunay na magulang na nagaaruga sa kanila.. minsan hindi nila makita ang importance kasi mas importante sa kanila presence ng magulang. sa kabilang banda, sayang, kung alam lang nila ang effort, pagod at panahon na binibigay para din sa kinabukasan nila ng mga OFW na parents...

    ReplyDelete
  40. Nakakalungkot talaga ang ganyang mga sitwasyon gaya ng kay Manong. Nagpapagod nang husto pero nagpapasasa naman ang kanyang mga naiwan sa bayan. Walang malasakit! Pero marahil ganyan talaga! That's life!! Isama nya lagi sa kanyang mga dalangin, baka sakali matauhan at ma-realize din nila (mga naiwan sa Pinas) ang kanilang mga responsibilidad!

    ReplyDelete
  41. Kailangan lang naman maliwanagan mga isip nila ... sana lang sooner rather than later.

    ReplyDelete
  42. hindi naman natin masisisi din ang mga anak dahil madalas wala ding gumagabay sa kanila habang lumalaki sila dahil nga minsan ang tatay o ang nanay ay nasa abroad. kaya nga ako, pinagpipiltan ko na hindi ako mag-aabroad kung ang kapalit ay maiiwan ko ang pamilya ko.

    ReplyDelete
  43. pasaway!! mhirap tlga buhay ng mga OFW. sana man lang naisip ng mga anak yun!

    ReplyDelete
  44. Nakakaawa nga ang ganyang sitwasyon...minsan kasi mahirap ding ituro ang pagiging responsable...pero teka pareho bang magulang ang nasa ibang bansa...kung si manong OFW lang ang nabanggit mo nasan ang ina?

    ReplyDelete
    Replies
    1. nasa Pinas naman ang nanay kasama ng mga anak, so hnidi rin talaga sila nag iisa don. pasway nga lang talaga

      Delete
  45. Hindi na bago yan. Marami din akong OFW na kilala na lahat ng pinaghirapan ng maraming taon ay nawala na lang ng parang bula. Sana ay matuto na ang mga anak na pagpahalagahan ang pinagpapaguran ng mga magulang, dahil pasasaan ba, ito rin ang para sa kanila.

    ReplyDelete
  46. Nakakalungkot isipin pero may mga dahilan kung bakit nauwi sa ganun. Hindi lang isang panig lang ang may sala.

    But I guess that's part of life.

    ReplyDelete
  47. i can totally relate to this since most of my friends here in singapore were all OFW's!! nkakaawa man pro wlng mggwa. nkkhinayang lng lht ng pinaghirapan..

    ReplyDelete
  48. i can totally relate to this since most of my friends were all OFW's here in singapore. its sounds a very lonely story but what can we do. nkakaawa tlg.xx

    ReplyDelete
  49. May mga anak talaga na kahit na maganda ang ipinapakita sa kanila ay lumalabas pa ring walang pagmamalasakit sa pinaghirapan at pinagsikapan ng kanilang mga magulang. Iba't iba ang pag-iisip ng tao at kung paano nila pinapakita ang pagpapahalaga at pagmamahal. Ang KUSA ay nanggagaling mismo sa sarili at hindi kailangang sapilitang ipakita. SUBALIT ang sino mang hindi marunong MAGPASALAMAT ay walang karapatang TUMANGGAP.

    ReplyDelete
  50. huhuhuuhhuuh..hopefully my child is not like that.....i will guide him as far as i can...

    ReplyDelete
  51. Halos lahat o di kaya karamihan sa mga magulang, OFW man o hindi ay nagbibigay talaga ng pangaral, guidance at suporta sa kanilang mga anak. Pero may mga anak talaga na sadyang pasaway, kahit na anong klaseng pangaral ay binabalewala lang. Datapwa't sila'y natatauhan na lamang kapag huli na at sila'y nagiging magulang na rin. :(

    ReplyDelete
  52. A good father will really do anything for the sake of their children whatever circumstances it may takes which is a good indication of an excellent fatherhood. To the children, as might as well, we should think what our father or even our parents(in general) had done to us in order to attain good state of education because without them , WE ARE NOTHING. We should at least payback their efforts on us. Be responsible enough. Let them feel our deepest gratitude on them for everything by doing good in our studies..
    BE A GOOD MODEL. SOMEDAY SOMEHOW, YOU WOULD FOLLOW THE STEPS OF YOUR PARENTS AND FEEL WHAT THEY HAD FELT.

    ReplyDelete

Your comments are highly appreciated. Thank you!