Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Wednesday, April 7, 2010

A Poem Worth Reading For - Dakila Ka Aking Ina

 The poem was dedicated to all Filipinas working in Qatar for their sacrifices of leaving their family in exchange for a better  life they can give them. It was also featured in Pinoy Abroad, GMA NEWS.TV on March 1 2010 http://www.gmanews.tv//story/186295/dakila-ka-aking-ina


Dakila Ka Aking Ina

Ni Francis Morilao

Bakit ba hanggang ngayo'y wala ka pa?
Sabi mo'y sandali lang, ngunit mag-iisang taon na;
Sa langit, panay nakatingala,
Nag-aabang at nakatunganga.

Hinahanap-hanap ko ang iyong pagkawala,
Lagi na lang tanong, kung saan ka nagpunta;
Hinahanap-hanap ang iyong kalinga,
Palaging nagmamaktol, kasi hindi ikaw kasama.

Sa pagtulog ko, halik na lang ni lola,
Ang nakapagpapatila ng aking mga luha;
Sa tuwing mamasdan, larawan mo sa tuwina,
Katabi sa pagtulog, nasa ilalim ng punda.

Sa mga kalaro, ikaw ang aking bida,
Kahit na kasama nila, ang kanilang ina;
Maging sa eskuwela ay tinatanong ka,
Kung kailan magbabalik, kanilang amiga.

Dakila ka, Oh aking Ina,
Naiwan ako rito, iba ang iyong alaga;
Anuman sa iyo'y kanilang hinuhusga,
Dahil trabaho mo, sa kanila'y aba,
Medalya ko, pagdating mo’y ibabandila.



http://mga-kathang-isip-ni-kiko.blogspot.com/


17 comments:

  1. ang hirap talaga ng buhay ng isang anak na iniwan ng ina. sa halip na siya ang aarugain, iba ang inaalagaan para lang sa kanyang kinabukasan.

    i feel na ang nagsulat nito ay isang anak na gustong makapiling ang inang namumuhay sa isang bansang malayo.

    maganda ang pagkagawa. salamat sa pag post.

    ReplyDelete
  2. I really do admire OFW. I honestly cannot be apart from my family for a long time. I was apart from them for a year or so and it was hellish, to think ibang province lang ako ha.

    ReplyDelete
  3. it's true, it is hard to live a life with a mother, a light in your path....

    ReplyDelete
  4. kakalungkot nga naman sariling anak di maalagaan samantalang alagang alaga mo ang anak ng iba, if marami lang din sanag opportunity dito hindi ito mangyayari

    ReplyDelete
  5. I was an OFW for about half a year but I was single then. Parang di ko makakayanan iwan si beybi para sa trabaho :(

    ReplyDelete
  6. you should publish your poetry. http://bayen.deviantart.com

    ReplyDelete
  7. this poem speaks of how a mother's love and affection for her children and family, very raw.

    thanks for this poem.

    ReplyDelete
  8. wow..poem for mothers...fascinating ..good job..

    ReplyDelete
  9. I admire all OFW and I salute them all.

    ReplyDelete
  10. Ang galing ni Kiko sa ginawang tula sa isang dakilang ina. Hapaluha ako habang binabasa ko ang tulang na ito. Naalala ko ang anak kong luluwas ng abroad punta ng Dubai. Maiiwanan nya nag kanyang dalawang anak nasa aming pag-aaruga sa ngayon.

    ReplyDelete
  11. Ang hirap talaga kapag nasa ibang bansa ang magulang mo. My mom is away for almost 5 years na. Nakakalungkot tuloy sa part namin, at sa part din nya. Nakakamiss.

    ReplyDelete
  12. oohh soo touching poem! very nice! Lucky are those OFW who has children that values all their each sacrifices... I feel sad to all OFW who made sacrifices but not valued by their very own children..

    ReplyDelete
  13. Not in my dreams to become an OFW. Maglaho ug magtinda na lang ako ng isda sa palengke ako pa ang amo sa akin pa lahat ng kita at hindi pa ako malalayo sa minamahal ko.

    Reply ko sa tula.

    Napakalungkot ng tula;
    Ako'y na-a-awa.
    Kay totoy na iniwan ni inang dakila.
    Sulat mula kay ina'y sapat na para hindi mag-alala.

    -Jenny O'Toole

    ReplyDelete
  14. Even if the offer's high outside, I would rather stay in the Philippines. Talagang napakahirap ng buhay na malayo sa family mo. Nice poem.

    ReplyDelete
  15. a very sad poem and yet a lot of hope.. very inspiring but a hard one.. thanks for sharing this

    ReplyDelete
  16. ofw's really sacrifice a lot... the greatest will be being far from your family and love ones. I salute you all. Yahweh bless.

    ReplyDelete
  17. Nakakaiyak naman :( Marami kasi akong friends dito na namimiss na mga anak nila. Hay buhay OFW, nakakabaliw na minsan. hehehe.

    ReplyDelete

Your comments are highly appreciated. Thank you!